IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa International Labor Organization (ILO) ang dagdag-sahod para sa mga manggagawang Pilipino.
Ibinida ito ni Pangulong Marcos kay ILO Director General Gilbert Houngbo sa isang courtesy call sa Malacañang.
Inihayag ng Punong Ehekutibo na patuloy na inaayos ng pamahalaan ang mga hakbang para maipatupad ang pagtataas ng minimum wage ng mga manggagawa upang makasabay sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Inilahad din ni Pangulong Marcos na nakikipagdayalogo ang gobyerno, sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa mga labor union at organization para mabalanse at maiayos ang mga negosasyon at matugunan ang ‘inflationary pressures’ sa mga manggagawa.
Sa social media post ng Presidential Communications Office (PCO), nakasaad na inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng National Capital Region (NCR) ang P40 na dagdag sa arawang minimum wage sa pribadong sektor sa rehiyon.
Dahil dito, mula sa P570, ay magiging P610 na ang minimum wage sa NCR para sa non-agriculture sector na epektibo sa Hulyo 16, 2023.
Para naman sa Department of Agriculture (DA), ang retail at services establishments na may 15 o mas kaunting manggagawa, at manufacturing establishments na may 10 empleyado o mas mababa pa ay makakukuha na ng P573 mula sa P533 daily minimum wage.