Dalawang drug suspect nasikop, patay sa buy-bust operation sa Rizal

NAPATAY ang dalawang drug suspect ng mga pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), habang nasamsam naman ang 102 milyong piso na halaga ng shabu sa isang operasyon sa Rizal noong Martes, April 27 ng gabi.

Ayon kay Philippine National Police (PNP), Gen. Debold Sinas noong Miyerkules ay kinilala ang suspek na si alyas ‘Alvin’, isang kilalang supplier ng iligal na droga sa Calabarzon, Metro Manila, at iba pang mga kalapit na rehiyon, habang ang kanyang pangkat ay hindi pa nakikilala.

Sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), isinagawa ang buy-bust dakong 11:55 ng gabi, sa kahabaan ng Highway 2000, Barangay Sta. Ana Extension sa Taytay, na humantong sa isang armadong engkwentro.

Nakuha mula sa dalawang drug suspect ang 15 kilo ng shabu, isang sports utility vehicle, at 2 fully-loaded 9 mm pistols

Isa si Alvin sa mga namamahagi kay Michael Lucas, isang kilalang dealer ng droga na naaresto sa isa pang operasyon sa Dasmariñas, Cavite noong Martes.

Isa rin siya sa mga grupong konektado sa isang na Chinese national na nakabase sa Hongkong na tumatawag sa kanila at nagbibigay ng mga instructions kung kanino at kailan nila ibibigay ang iligal na droga.

Ang mga nakumpiskang item ay dinala lahat sa tanggapan ng PDEG para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.