Imbestigasyon ng Senado sa PNP-PDEA shootout, pinakansela

IPINAGPALIBAN muli ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Senado ang ikakasa sanang imbestigasyon ngayong araw sa nangyaring PNP-PDEA shootout sa Commonwealth, Quezon City.

Kasunod ito sa pagpositibo sa COVID-19 nina PDEA Chief Wilkins Villanueva at PNP Chief Debold Sinas at maging ang ibang haharap sa nasabing hearing ay siguradong na-exposed sa dalawa.

Ipinalabas naman ang naturang anunsyu kasunod ng pagkumpirma ni Villanueva sa kanyang FB post na siya ay positibo sa virus.

Kahapon, Marso 14 nang ianunsyo ni Villanueva sa kanyang Facebook post na nagpositibo ito sa COVID-19.

“As I was preparing for the Senate inquiry on Monday, I took my RT-PCR at the Chinese General Hospital yesterday as  part of the requirement. This morning, I received the result, I tested positive,” pagkumpirma ni Villanueva.

“I am sorry to all the  people that I had close contact for the days. Please take necessary precaution,” dagdag aniya.

Marso 11 ay nagpositibo rin si PNP Chief Debol Sinas na ngayon ay kasalukuyan pa ring naka-quarantine.

Itinalaga naman bilang officer-in-charge si Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Administration ng PNP habang nagpapagaling ang PNP Chief.

Matatandaan na una na ring ipinagpaliban ng Senado ang isasagawang imbestigasyon noong Marso 2 upang mabigyang daan ang NBI na inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag-imbestiga sa PNP-PDEA misencounter.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.