PINALAWIG pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang karatig-probinsya kasama ang Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan o NCR Plus.
Sa Talk to the People ng pangulo kagabi, pinalawig nito ang umiiral na MECQ ng dalawang linggo o hanggang sa ika-labing apat ng Mayo.
Maliban sa NCR Plus, isasailalim din sa MECQ ang Santiago City sa Isabela, Quirino at Abra mula Mayo 1 hanggang Mayo 31.
Habang ang Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur ay isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).
Habang ang natitirang lugar sa bansa na hindi kabilang sa mga nabanggit ay isasailalim sa Modified GCQ.
Samantala, sa ngayon nasa 1,020,495 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 935,695 dito ay gumaling na habang 10,739 ang nasawi.
(BASAHIN: Metro Manila Mayors, nagkasundo sa flexible MECQ at pagpapaikli ng curfew hours)