PERSONAL na ininspeksiyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang NAIA Terminal 3 kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero tuwing Semana Santa.
Sa pag-iikot ng kalihim sa mga immigration counter sa naturang paliparan, kapansin-pansin aniya ang maayos na daloy ng mga pasahero kumpara noong nakaraang linggo.
Sinabi naman ni Dizon, bunga ito ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maging maginhawa at ligtas ang mga biyahero.
Inaasahan ng pamunuan ng NAIA na mas dadami pa ang mga pasahero sa mga susunod na araw na magbabakasyon sa kani-kanilang probinsya o di kaya’y mamamasyal sa ibang bansa para sulitin ang mahabang bakasyon.
Follow SMNI News on Rumble