DAR, mamahagi ng 7-K ektaryang lupain sa mga magsasaka sa Negros Occidental

DAR, mamahagi ng 7-K ektaryang lupain sa mga magsasaka sa Negros Occidental

MAMAMAHAGI ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng 7,311 na ektaryang lupain na sakahan para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Negros Occidental.

Ang mga lupang ipamamahagi ay sakop ng 20 munisipyo ng Negros Occidental kabilang dito ang Binalbagan, Calatrava, Candoni, Cauayan, Magalona, Hinigaran, Hinoba-an, Ilog, Isabela, La Castellana, Manapla, Moises Padilla, Murcia, Pontevedra, Pulupandan, Salvador Benedicto, San Enrique, Toboso, at Valladolid.

Papangunahan ni DAR Secretary John Castriciones ang pamamahagi ng mga CLOA sa mga magsasaka sa kanilang mga bukirin at kanilang mga tahanan.

Sa ilalim ng DAR to door program, hinahatid ang titulo ng lupa sa mga ARBs upang ipakita sa kanila  ang tunay na serbisyo ng pamahalaan at mabigyan ng pag-asa na ang gobyerno ay kanilang maaasahan.

Bukod sa pamamahagi ng lupa, isasagawa din ang pag-install ng mga magsasakang benepisyaryo sa Pontevedra.

Ang pag-install ay mahalaga sapagkat ito ay tanda ng pagmamay-ari ng lupa ng mga magsasaka.

Bukod pa rito, bibisitahin din ng kalihim at ng ilang opisyal ang 3 Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBO) sa probinsiya upang malaman ang kanilang mga alalahanin at isyu na may kinalaman sa kanilang mga bukid at organisasyon.

Ito ay upang ang departamento ay makagawa ng mga patakaran at solusyon upang malutas ang kanilang mga kinakaharap na mga hamon.

BASAHIN: 159 land titles ipinagkaloob ng DAR sa 150 Agrarian Reform beneficiaries sa Nueva Ecija

SMNI NEWS