DAR, nagsagawa ng performance review sa mga naipamahaging lupain sa mga magsasaka

DAR, nagsagawa ng performance review sa mga naipamahaging lupain sa mga magsasaka

NAGSAGAWA ng performance review ang Department of Agrarian Reform (DAR) kaugnay sa mga naipinamahaging lupain para sa mga magsasaka.

Nagpatupad ang Department of Agrarian Reform ng dalawang-araw na performance review upang suriin ang mga ginawa ng ahensya sa nakaraang siyam na buwan sa pagbaha-bahagi ng mga lupa para sa pagkakaloob ng indibidwal na titulo o Parcelization of Lands for individual titling.

Ang naturang pagbaha-bahagi ng mga lupa ay ipinatutupad sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project.

Layon nitong mapabilis ang paghahati-hati o parselisasyon ng Collective Certificates of Land Ownership Award (CCLOAS) at sa kalaunan ay mapagkalooban ng mga indibidwal na titulo ang mga Agrarian reform beneficiaries na nabiyayaan ng mga lupain at collective CCLOAS sa ilalim ng carp.

Layunin ng aktibidad na pag-aralan ang mga nagawa at naging problema sa pamamagitan ng performance review.

May mga ulat mula sa mga field implementers sa lalawigan at civil society organizations hinggil sa mga sigalot o kontrobersya sa pagitan ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBS).

Upang matagumpay na maipatupad ang SPLIT, kailangan ng kritikal na pagsusuri ng mga datos at numero at malawak na pagsusuri sa kasalukuyang sitwasyon upang maisaayos ang mga gagawing aksyon sa pagpapaunlad sa pamumuhay ng mga ARBS.

Ang SPLIT ay ipinatutupad sa 78 mga lalawigan sa 15 rehiyon ng dar at sasakop sa 1.368 milyong ektaryang lupa habang ang pagpapatupad ay nagsimula noong Nobyembre 2020 at magtatapos sa 2024.

SMNI NEWS