Higit 1-M doses ng Pfizer at 400-K doses ng Sputnik V vaccine, dumating na sa bansa

Higit 1-M doses ng Pfizer at 400-K doses ng Sputnik V vaccine, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang panibagong batch ng higit 1-M doses ng Pfizer at 400-K Sputnik V vaccines.

Nasa kabuuang 1,014,390 Pfizer vaccine doses ang dumating na sa bansa.

Sa bilang na ito ang 100,620 doses ay diretsong dinala sa Cebu na lulan ng Air Hong Kong Flight lD 457

Dadalhin naman ngayong umaga sa Davao, ang hiwalay na 100,620 doses sakay ng Philippines Airlines habang ang 813,150 doses na sakay ng Flight lD 456 ay dumating naman kagabi pasado alas-9:00 na lumapag sa NAIA Terminal-3.

Samantala, ang 400,000 Sputnik V vaccines sa bansa ay dumating na rin pasado alas 11:00 kagabi na sakay ng Quatar Airways Flight QR 928 na lumapag sa NAIA Terminal-3

‘’We are very thankful to the Russian government…over 1 million,’’ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr.

Ayon pa kay NTF chief Implementer and Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. ibabahagi ang mga naturang bakuna sa Isabela at sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya na nangangailangan ng bakuna.

‘’Most of the provinces in…we will delivery it,’’’saad nito.

Inaasahan ngayong-araw ang pagdating ng kabuuang 698,600 doses ng AstraZeneca vaccines na binili ng mga pribadong sector. Lalapag pasado alas 9:00 ngayong umaga sa NAIA Terminal 3.

SMNI NEWS