Dating Caloocan chief of police Col. Samuel V. Mina, binigyang pagkilala   

Dating Caloocan chief of police Col. Samuel V. Mina, binigyang pagkilala  

BINIGYANG pagkilala ang hindi matatawarang serbisyo at malasakit ni dating Caloocan City chief of police Colonel Samuel V. Mina sa siyudad, sa Bulwagan Katipunan, Caloocan City Hall kamakailan.

Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Along Malapitan ang paggawad ng farewell ceremony kay dating chief of police Colonel Mina bilang pasasalamat sa tapat nitong paglilingkod sa siyudad.

Ayon kay Mayor Malapitan, siya’y nagpapasalamat sa naiambag nito para sa bansa at katatagan bilang hepe ng pulisya sa lungsod.

Aniya, alam niyang hindi naging madali ang pagiging hepe nito, dahil noong hinarap niya ang eleksyon ng pagiging mayor, alam niyang naipit ito sa nag-uumpukang bato sa siyudad ngunit nakita niya pa rin ang katatagan ng dating hepe ng pulisya.

“Hinarap ko ang eleksyon, alam kong naipit ka sa mga nag-uumpukang bato dito sa lungsod ng Caloocan pero pinakita mo ang katatagan mo bilang hepe ng police dito sa lungsod ng Caloocan,wika ni Caloocan City Mayor Along Malapitan.

Pagbabahagi pa ni Malapitan, bilang mayor ay hiniling niya dito noon na bigyan siya ng most wanted list upang maging mapayapa ang lungsod.

Nagulat siya dahil sa loob ng isang araw ay may hinarap na sa kaniyang 40 na mga most wanted na siyang nagpahanga sa alkalde.

Dahil dito, nakita ng mayor ang kahusayan nito sa pamumuno sa lungsod na siyang lubos na pinasalamatan nito.

 “At dito nakita ko ang iyong kahusayan no sa pamumuno dito sa lungsod ng Caloocan. Maraming maraming salamat sa iyo mula sa panahon ng aking ama at dalawang buwan na pamumuno bilang mayor ng lungsod ng Caloocan,” dagdag ni Mayor Along.

Sa kabilang banda, nagpasalamat din ang dating hepe at inihayag na kaniyang babaunin ang masasaya at magagandang alaala bilang dating hepe ng lungsod.

“Sa lahat po ng nandito, sabi ko nga words are not enough to do is, salamat po sa pagtanggap niyo sa akin to be your Chief of Police at ayoko na pahabain pa baka maiyak pa ako. Babaunin ko po itong masasaya at magagandang alaala sa aking pananaw. Marami pong salamat sa inyong lahat,” pahayag ni dating Caloocan chief of police Col. Samuel V. Mina.

Follow SMNI NEWS in Twitter