SA nakikita ng Commission on Elections (COMELEC), maaaring lumobo sa 70-73 M ang magiging botante kapag naurong sa taong 2023 ang Barangay at SK Elections.
Ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco, mai-extend ang registration period kapag na-reset ang halalan.
“Kapag ipinagpaliban ang halalan, ang mangyayari po kasi magtutuloy po tayo ng voters registration pagkalabas na pagkalabas po ng bagong batas,” pahayag ni Laudiangco.
Kapag nagkaroon ng 73M na mga botante ay mangangailangan sila ng 33, 000 na karagdagang voter precincts para dito.
Ito ay on top sa existing na mahigit 200 presinto para sa Brgy at SK Elections.
Sinabi naman ni Laudiangco, kung ganito ang magiging scenario ay mangangailangan ng karagdagang pondo ang COMELEC para sa gagastusin nila sa karagdagang presinto, supply at magiging miyembro ng electoral board.
“Dahil po dito, dadami rin po ang ating electoral boards, dadami po ang support staff, dadami ang supply kaya po humihingi kami ng karagdagang pondo sana po,” ayon kay Laudiangco.
Sa ngayon habang wala pang batas para sa postponement ng Brgy at SK Elections itutuloy na ng COMELEC ang pag-iimprenta ng mga balota sa susunod na linggo.
Sinabi ni Laudiangco na sa loob lamang ng 30-45 days ay maaring matapos ang kanilang pag-iimprenta ng mga balota para sa SK at Brgy Elections.
Kapag bigla namang hindi matuloy ang halalan, tiniyak ng opisyal na magagamit pa rin ang mga maiimprentang balota.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Balotang gagamitin para sa barangay at SK elections, mahirap ipeke –COMELEC
Kamara, inaprubahan ang mosyon na ipagpaliban ang 2022 barangay at SK elections sa Disyembre 2023