Dating kadre ng CTG, sinupalpal ang isang Baguio-based media dahil sa pahayag nito vs SMNI

Dating kadre ng CTG, sinupalpal ang isang Baguio-based media dahil sa pahayag nito vs SMNI

SINUPALPAL ng dating kadre ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), ang isang Baguio-based media dahil sa pahayag nito laban sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Ito’y kasunod ng inilabas na pahayag ng Baguio Chronicles, kung saan tinitira nito ang SMNI “Laban Kasama ang Bayan” (LKAB) hosts na sina Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz at Dr. Lorraine Badoy, dahil sa pangre-redtag umano kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong at mga journalist ng Baguio City.

Nag-ugat ang isyu nang isiniwalat ni Ka Eric, ang ilang personalidad na kabilang sa tinutukoy nito ang mga urban operative ng CPP-NPA-NDF na sina Joan Carling, Beverly Longid, Minnie Degawan, at iba pang journalist.

“Si Carling, Beverly, identified ng mga nagsurrender……..Frank Cimatu, ni-red tag daw namin kayo, no. Ang sabi namin you could possibly part of communist network in Cordillera because of 3 reasons, patuloy kayong nakikihalubilo…, Number 2, patuloy na hindi umiimik……Number 3. Tsinachallenge niyong kami’y nagsisingulanging dito SMNI at LKAB,” ayon kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Dating Kadre ng CPP-NPA-NDF.

Kasunod ng pahayag ng Baguio Chronicles, naging sentro ito ng talakayan sa programang LKAB nitong Miyerkules, Hunyo 7, 2023.

Pastor Apollo C. Quiboloy, sinagot ang mga Baguio-based journalist sa umano’y red-tagging ng SMNI

Hindi naman ito pinalampas ni Pastor Apollo C. Quiboloy at nagbigay ng kaniyang sagot sa nasabing programa, at sinabing ginagamit lang ng makakaliwang grupo ang isyu ni Mayor Magalong at binabaliktad ang tunay na nangyari.

Nilinaw ng butihing Pastor na humingi ito ng public apology kay Mayor Magalong, dahil kinondena at pinatunayan nitong hindi siya kakampi ng mga komunistang teroristang grupo.

“Kasama namin si Mayor Magalong, hindi namin siya ni-redtag, kundi siya ay lumantad at sinabing hindi ako kasama nila,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Mga miyembro ng CPP-NPA-NDF, hinamon ni Pastor ACQ na lumantad na

Hinamon naman ni Pastor Apollo ang mga kaalyado ng CPP-NPA-NDF na lumantad at kondenahin ang teroristang grupo tulad ng ginawa ni Mayor Magalong.

“Kung nagsisinungaling kami, bakit hindi niya klaruhin at sabihin ninyo tulad ni Mayor Magalong na hindi totoo ‘yan, hindi namin mga kasamahan ‘yan. Kinokontra namin ang CPP-NPA-NDF at ang kanilang pamamatay, pambobomba, pananalasa, paninira ng ating bansa? Bakit hindi niyo magawa ang ginawa ni Mayor Magalong? Lumantad kayo at magpakatotoo tulad ni Mayor Magalong,” dagdag ni Pastor Apollo.

Nangako naman si Pastor Apollo na hindi ito hihinto sa paglalahad ng katotohanan hanggang hindi maubos ang CPP-CPA-NDF sa bansa.

Mananatili rin aniya itong for nation-building para mahinto na ang mga terorista.

“Ito ang ipapangako ko sa inyo, habang naririto ako, naririto ang mga kasamahan ko sa Laban Kasama ang Bayan, naririto ang SMNI, hindi namin kayo tatantanan sa mga kasinungalingan ninyo, sapagkat ang SMNI “Truth that Matters. Ano ang katotohanan siya ang ating ipalilitaw,” dagdag ni Pastor Apollo.

Tiniyak din ng butihing Pastor na mananatiling bukas ang SMNI sa sinomang maglalakas-loob na kundenahin ang mga komunistang teroristang grupo tulad ni Mayor Magalong.

Follow SMNI NEWS in Twitter