Pagsasapribado sa NAIA, posibleng mangyayari sa unang quarter ng 2024— DOTr

Pagsasapribado sa NAIA, posibleng mangyayari sa unang quarter ng 2024— DOTr

POSIBLENG sa unang quarter ng 2024 mai-turnover ang operasyon, maintenance at upgrading ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon ito sa isang pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Usec. for Aviations and Airports Roberto Lim.

Noong nakaraang linggo ay isinumite na ng DOTr at Manila International Airport Authority (MIAA) sa National Economic Development Authority (NEDA) ang kanilang joint proposal para sa NAIA Public-Private Partnership Project.

Sa naturang proposal, ang isang private concessionaire ay mayroong 15-taon para mag-operate sa NAIA.

Kailangan nitong maisa-moderno ang air traffic control equipment, mabago ang runways at taxiways maging mapaunlad ang terminal facilities.

Samantala, tiniyak ni Lim na walang mawawalan ng trabaho dahil iaalok pa rin sa airport employees ang kanilang trabaho kung maisapribado ang airport facilities.

Ito’y dahil ang NAIA ay nananatiling pagmamay-ari ng pamahalaan at tanging operations at management lang ang pribado.

Follow SMNI NEWS in Twitter