Dating NHA Chief kay PBBM: Mali ang natanggap mong impormasyon sa Yolanda Rehabilitation

Dating NHA Chief kay PBBM: Mali ang natanggap mong impormasyon sa Yolanda Rehabilitation

ITINAMA ni dating Housing Chief Marcelino Escalada ang pasaring ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang naggawa ang pinalitan niyang administrasyon para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Sabi kasi ni Pangulong Marcos,

“‘Hindi pa talaga tayo nakapag-fully recover sa Yolanda; we only really started two years ago because nothing was done in the previous administration, nothing was done in the administration before that,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi ni Escalada na dating general manager ng National Housing Authority (NHA) sa administrasyong Duterte na maling bulong ang nasagap ng Pangulo.

Katunayan, ito ang bilang ng Duterte housing…

“Upon the leadership of former President Mayor Rody Duterte, umabot tayo ng more or less 160,000 ang ating naipatayo,” ayon kay Marcelino Escalada, Former General Manager, NHA.

Nasa 205,000 na bahay ang target na ipatayo sa kabuuan ng Yolanda Rehabilitation Program batay sa datos ng Pnoy Administration.

Bawat isang bahay kasama ang lupa ayon kay Escalada ay nagkakahalaga P290,000.

Pumalo sa P60-B ang pondong inilaan dito ng gobyerno.

Nakadisenyo ang Yolanda Housing Program bilang ‘deliverable’ o may bayad—batay sa naunang plano ng Aquino government.

Pero sa Duterte government, dapat libre ang mga pabahay dahil walang-wala ang mga biktima ng Bagyong Yolanda.

“So, walang binabayaran ‘yung mga tao awardees natin in the Yolanda Housing Project. And we started to distribute the titles to them during our time,” wika pa ni Escalada.

Bakit nga ba nasabi ni Pangulong Marcos na walang naggawa ang Duterte government para sa mga biktima ng Yolanda?

Gayong puring-puri ito kay Pangulong Duterte noong 2017 sa mga programa ng pamahalaan sa mga binagyo?

“There was a misinformation on the part of the responsible persons giving information to our President Bongbong Marcos,” ayon kay Escalada.

Ani Escalada, nasa 30,000 hanggang 40,000 na pabahay na lamang ang kailangang gawin ng Marcos Jr. administration para makumpleto ang Yolanda Housing Program.

At may apat na taon pa ang kaniyang administrasyon para gawin ito.

“30,000 na lang of the 205,000 target. ‘Yung probably ang sinasabi niya na naumpisahan nila. Of course, umpisahan nila because that was the time within which ‘yung budget ng DBM was also released—in 2022, 2023, at saka 2024. But infairness to Pnoy administration and PRRD, onboard ako doon,” ani Escalada.

“Ako ang nandoon sa lahat ng 9 provinces, something like around close to 190 LGUs all the way from Samar, Guian Eastern Samar hanggang lumabas si Yolanda, sa Yolanda Corridor na tinatawag natin in Palawan,” aniya.

Hamon naman ni Escalada sa Marcos administration…

“Let the people reveal and let the people testify of the production and the accomplishments made by the Pnoy administration and the Duterte administration. Ang sa akin lang, is that people of Tacloban—hardly and badly hit by Yolanda can very well tell naman MJ kung ano ang nangyari diyan,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble