Dating PBA commissioner na si Nole Eala, itinalaga bilang PSC chairman

Dating PBA commissioner na si Nole Eala, itinalaga bilang PSC chairman

ITINALAGA ang dating PBA commissioner at broadcaster na si Josel Emmanuel “Noli” Eala bilang bagong Philippine Sports Commission (PSC) chairman ayon sa pahayag ng Malacañang.

Nilagdaan ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang appointment papers ni Eala matapos itong aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa tweet ng dating sports broadcaster, isang karangalan ang pagkakatalga sa kanya at sabik din itong mgtrabaho sa bago nitong tungkulin bilang pinuno ng PSC.

Ang bowling legend na si Bong Coo at tatlo pang future commissioner apointees ang bubuo ng bagong PSC board sa ilalim ni Eala.

Follow SMNI NEWS in Twitter