Dating pinaghariang bayan ng CTGs sa Quezon Province, nagdeklara ng kapayapaan

Dating pinaghariang bayan ng CTGs sa Quezon Province, nagdeklara ng kapayapaan

DI akalain ng mga residente ng Lopez, Quezon Province, na ang kanilang lugar na minsan nang binalot ng takot ng armadong teroristang grupo ay matatamasa ang buhay na mapayapa.

Dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan ng government agencies ang pagbabalik loob sa pamahalaan ng mga dating kasapi ng CPP-NPA-NDF.

Ito’y kinabibilangan ng Sangay ng partido sa Lokalidad (SPL) at Militia ng Bayan (MB).

Kung babalikan ang nakaraan ng munisipalidad ng Lopez sa probinsiya ng Quezon noong namamayagpag pa ang mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF, ay malaya umanong makapagsagawa ng mga pang-aabuso, pangingikil at pagpatay ang mga armadong rebelde sa lugar.

Taong 2002 naganap ang isa sa di malilimutang karanasan ng mga residente ng Lopez, ito ay nang magmartsa at salakayin ng mga NPA ang municipal headquarters ng kapulisan sa munisipalidad ng Lopez, kung saan dalawa mula sa hanay ng pulis ang napaslang.

Ayon pa sa mga iilang nag balik-loob, halos di makapagsalita ang mga residente ng naturang lugar dahil sa pangambang ipapapatay sila ng kilusan.

Kaya naman sa pagdeklara ng stable internal peace and security matapos ang pagtiwalag ng mga dating taga suporta ng NPA ay naging hudyat na ito ng pagbabago sa naturang munisipalidad.

Kung ating babalikan noong nakaraang taon, March 4 ay isinagawa ang unang batch ng pag withdraw of support sa CPP-NPA-NDF ang mga Sangay ng partido sa lokalidad (SPL) at Militia ng Bayan (MB) na umabot ng higit na isang libong katao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter