Datos ng 892 foreign policy experts sa S. Korea, nakuha ng N. Korea

Datos ng 892 foreign policy experts sa S. Korea, nakuha ng N. Korea

INATAKE ng North Korea ang 892 foreign policy experts sa South Korea sa pamamagitan ng isang cyberattack at ninakaw ang mga personal na datos at mga email nito.

Ayon sa mga awtoridad, ang pag-atake na ito ay metikuloso dahil ilan sa mga biktima ay nakapag-sign pa sa mga pekeng website na nag-expose ng login details sa mga attacker.

Ang mga pag-atakke ay tinarget ang karamihan sa Think Tank expert at mga propesor sa bansa mula noong nakaraang Abril.

Ilan sa naging biktima nito ay secretary sa opisina ni Rep. Tae Yong Ho ng Ruling People Power Party noong nakaraang Mayo at isang opisyal mula sa Korea National Diplomatic Academy noong Oktubre.

Kasama sa email na ipinapadala ng hackers ang link sa pekeng website na mayroong attachment na may dalang virus kapag nabuksan.

Ayon pa sa pulisya, itinago ng hackers ang kabilang IP address at naggawa ng 326 na detour servers sa 26 na bansa para hindi ito ma-trace online.

Follow SMNI NEWS in Twitter