Davao City may mataas na kaso ng teenage pregnancy

Davao City may mataas na kaso ng teenage pregnancy

INIHAYAG ni Dr. Mary Lee Lim ng Southern Philippines Medical Center na ang Davao City ay may high incidence ng teenage pregnancy sa bansa.

Kaya naman, nagsasagawa aniya ang Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) Mindanao Chapter ng seminar sa mga paaralan upang maipaabot sa mga kabataan ang mga risk o kadelikado ng maagang pagbubuntis.

Ang pinaka-batang naitalang kaso ng teenage pregnancy sa Davao ay 12 years old ayon pa kay Dr. Lim na aniya ay dahil sa sexual abuse.

Aniya, ang mga dahilang ng teenage pregnancy ay dahil ang bata ay hiwalay sa magulang, social media influence, sexual abuse, kultura, peer pressure at marami pang iba.

Samantala saad ni Dr. Sharlene Tan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cervical Awareness Month, magkakaroon ng libreng HPV vaccine para sa mga batang babae na may edad 9-14 na puwedeng ma-avail sa pinakamalapit na health center upang maiwasan ang pagkakaroon ng human papillomavirus na dahilan ng cervical cancer.

Available din ang Visual Inspection with Acetic Acid para sa mga babae para madaling ma-detect at magamot ang pagkakaroon ng cervical cancer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble