TUMAMA ang isang magnitude 5.3 na lindol sa Sarangani Island sa Davao Occidental ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang nasabing lindol ay isang tectonic kung saan ang epicenter nito ay may layong 181 kilometro timog-silangan ng Sarangani at may lalim na 6 na kilometro.
Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Don Marcelino, Davao Occidental at Malungon, Sarangani.
Sumunod naman ang isang magnitude 4 na lindol sa Balut Island sa Davao Occidental bandang 5:49 ng umaga.
Wala namang inaasahang pinsala ang PHIVOLCS kasunod ng lindol.