Magnitude 5.3 na lindol niyanig ang Davao de Oro

Magnitude 5.3 na lindol niyanig ang Davao de Oro

NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang Davao de Oro, Lunes 4:43 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Kung saan naramdaman ng Intensity IV sa New Bataan, Maco, at Mawab sa Davao de Oro; Intensity III sa Nabunturan, Davao de Oro; Intensity II sa Laak, Davao de Oro; at Intensity I sa Bislig City, Surigao del Sur.

Bukod dito, sinabi ng PHIVOLCS na maaaring nagdulot ng pinsala sa mga bahay, gusali, at iba pang imprastraktura ang lindol.

Kaya, pinayuhan ang lahat na mag-ingat para sa mga aftershocks.

Follow SMNI NEWS in Twitter