DBM Chief, nagpasalamat sa maagap na pagpapatibay ng Kamara sa 2024 General Appropriations Bill

DBM Chief, nagpasalamat sa maagap na pagpapatibay ng Kamara sa 2024 General Appropriations Bill

IPINAHAYAG ng Department of Budget and Management (DBM) ang taos-pusong pasasalamat sa House of Representatives sa naging mabilis na pagpapatibay nito ng House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bill (GAB) nitong Setyembre 27, 2023.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, pinasalamatan niya ang Mababang Kapulungan sa kanilang matibay na suporta at sa pagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng pagtiyak sa on-time approval ng panukalang pambansang pondo.

Sa gitna ng napapanahong pagpapatibay ng 2024 GAB ng Kamara, sinabi ni Pangandaman na nakasusunod ngayon ang administrasyong Marcos sa target na pagkamit ng mga layunin at planong pag-unlad para sa bansa na walang maiiwang Pilipino.

Ang panukalang P5.768-T national budget para sa susunod na taon ay mayroong 9.5% na pagtaas kumpara sa P5.267-T na budget ngayong taon.

Katumbas ito ng tinatayang 21.7% ng Gross Domestic Product ng bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter