NILAANAN ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) ang tenure security program ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa National Expenditure Program (NEP) 2023 na isinumite sa Kongreso.
Ayon sa DBM, aabot sa P3.52-B ang kanilang allocation para dito at mas malaki ito kung ikukumpara sa P3.12-B na alokasyon ngayong taon.
Magiging instrumento naman ang pondo upang magamit na at mai-register ang 27, 942 na ektarya na mga lupang naipamahagi na.
Para din maipamahagi na ang karagdagang 27, 102 na ektarya ng private agricultural at government-owned na mga lupain sa mga lokal na magsasaka.