PINANGUNAHAN mismo ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang pagbisita sa ibat ibang EDCA Sites sa Luzon.
Mainit na sinalubong ang kalihim ni Calayan Municipal Mayor Joseph Llopis kasabay nito ang dayalogo sa mga lokal na pamahalaan nito kaugnay sa mga natukoy na pagtatayuan ng EDCA Sites sa Luzon.
Nagtungo rin ang kalihim at nakipag-usap sa mga tropa ng 4th Marine “Makusug” Brigade, Philippine Marine Corps, na nakabase sa Camp Cape Bojeador, Ilocos Norte.
Bahagi ito ng kanyang regular na pagbisita sa mga tukoy na EDCA Bases sa bansa.