HINDI dadalo sa United Nations General Assembly (UNGA) si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong Setyembre.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel ‘Babe’ Romualdez.
Matatandaan na unang dumalo si Pangulong Marcos sa UNGA noong Setyembre noong nakaraang taon sa New York kung saan nanawagan ang Pangulo sa mga miyembro ng United Nations na resolbahin ang tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).
At iginiit na ang foreign policy ng Pilipinas ay ‘Friend to all Enemies to None’.
