HINDI sinang-ayunan ni former Philippine National Police (PNP) chief at dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panukalang i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga sa bansa.
Ayon sa kanya, magiging daan lamang ito upang maging talamak ang bentahan ng iligal na droga sa bansa.
Ito kasunod sa naging pahayag ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na kinokonsidera niya ang isang panukalang nagde-decriminalize sa paggamit ng droga.
Dagdag pa nito na layon ng inihain niyang panukalang batas ay upang makatulong sa pag-decongest sa mga kulungan.
Maliban dito ay nais din ni Sen. Bato na magkaroon ng rehabilitation center para sa mga drug users.