MAINIT na tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia ang pagbisita ng delegasyon ng US Army War College sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila.
Pinangunahan ni Colonel James Frick ang nasabing delegasyon mula sa Estados Unidos.
Kabilang sa tinalakay ng dalawang opisyal ang developing leadership and strategic measures, defense management at joint strategic planning.
Gayundin ang nagpapatuloy na Balikatan Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sinabi ni Frick na inaasahan niya ang mas malawak na pagtutulungan at madalas na pagbisita sa bansa.
Umaasa naman si Valencia sa isang matatag na relasyon sa Estados Unidos.