Dengue cases sa Antique lumobo sa 707

Dengue cases sa Antique lumobo sa 707

TUMAAS ang kaso ng dengue sa probinsiya ng Antique.

Ayon sa Antique Integrated Provincial Health Office, umabot sa 707 ang naitalang kaso mula Enero 1 hanggang Marso 2 ngayong taon.

Mas mataas ito ng 154 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamaraming kaso ng dengue sa bayan ng Sebaste, na may 128 kaso at isang nasawi.

Dahil diyan, nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng Sebaste ng state of calamity noong Marso 5 dahil sa dengue at leptospirosis.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble