Dengue cases sa bansa, bumaba ng 11%—DOH

Dengue cases sa bansa, bumaba ng 11%—DOH

BUMABA ng 11% ang dengue cases sa bansa batay sa ulat ng Department of Health (DOH) mula Enero 14-27, 2024.

Sa kanilang datos, 7,434 lang ang kaso sa unang buwan ng taon kumpara sa 8,368 noong 2023.

Mula Enero 28-Pebrero 10, 2024 nasa 5,267 lang din ang naitalang kaso.

Sinabi ng DOH na posibleng mabago pa ito dahil sa posibleng delayed na konsultasyon at reporting.

Samantala, nakitaan lang ng DOH na bahagyang tumaas ang kaso ng dengue sa Northern Mindanao at Caraga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble