DepEd at CHED, makakatuwang sa pagsusulong ng mandatory ROTC program—DND

DepEd at CHED, makakatuwang sa pagsusulong ng mandatory ROTC program—DND

PATULOY na makikipagtulungan ang Department of National Defense (DND) sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) upang maisulong ang mga programa para sa mga estudyante kabilang ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ito ay kasabay ng pagbubukas ng Philippine ROTC 2023 Games sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex, Malate, Manila nitong Linggo.

Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Defense Senior Undersecretary Irineo Espino ang kahalagahan na muling buhayin ang mandatory ROTC program na nagbibigay ng lugar para sa pag-unlad ng mga estudyante at pagkakataon na maging aktibo sa “nation-building”.

Ang tema ng palaro ay “Tibay at Galing Pagyamanin, Suportahan Palarong ROTC Natin.”

Nilahukan ito ng ROTC cadets mula sa iba’t ibang eskwelahan na magtatagisan sa basketball, volleyball, arnis, boxing, kickboxing, athletics, at e-games.

Dumalo rin sina Sen. Francis Tolentino, iba’t ibang government agency heads, college students, at soldier athletes.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter