DepEd, makikipag-partner sa DBM at DOF para sa kanilang mga programa

DepEd, makikipag-partner sa DBM at DOF para sa kanilang mga programa

MAKIKIPAG-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) para mabigyan ng pondo sa kanilang mga programa.

Matandaang umabot na ng P15B ang naibawas sa pondo para sa computerization program ng DepEd.

Bagamat sa paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay hindi nabago ang P1.056T na proposed 2025 budget para sa sektor ng edukasyon na nasa bicam report, kasali sa mga na-veto ang ilang programang may kaugnayan sa edukasyon.

Sa na-veto na P168B na para sana sa ilang items sa ilalim ng unprogrammed appropriations, kasama ang P5B para sa computerization program.

Noong natapos ang bicam report ay nasa P12B na ang naunang kinaltas sa 2025 proposed budget ng DepEd.

P10B mula rito ay nakalaan nga para sa computerization program kung saan mamimigay sila ng gadgets gaya ng computers sa mga mag-aaral sa public schools.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble