DepEd, pagpapaliwanagin ang Colegio de San Lorenzo ukol sa biglaang pagsasara

DepEd, pagpapaliwanagin ang Colegio de San Lorenzo ukol sa biglaang pagsasara

NAKATAKDANG magpulong ngayong umaga ang pamunuan ng San Lorenzo at DepEd NCR upang pag-usapan ang mga dapat gawin upang matulungan ang mga estudyanteng apektado ng kanilang pagsasara.

Nitong Miyerkules ng hapon, opisyal na natanggap ng DepEd-NCR ang sulat mula sa Colegio de San Lorenzo ukol sa kanilang permanenteng pagsasara.

Sumulat din ang DepEd sa Colegio de San Lorenzo para sa isang pagpupulong na nakatakdang gawin ngayong umaga.

Maliban sa pagpapaliwanag sa eskwelahan dahil sa biglaang pagsasara nito, igigiit din ng DepEd ang agarang refund ng tuition fees.

“Ano ‘yung pinapagawa natin sa kanila to explain kung bakit sila magsasara but more significantly ano ‘yung mga plano nila para doon sa mga mag-aaral o learners na nasa school nila na parang madi-displace ngayon. So ‘yun po talagang gusto nating maresolbahan dito. It’s really to find a way na makapasok pa rin sa school ‘yung mga learners,” pahayag ni Poa.

Handa namang tanggapin ng ilang paaralan ang mga estudyanteng apektado ng pagsasara.

Isa na rito ang Tems International School na sumulat sa DepEd NCR Regional Director.

Anila maaari nilang tanggapin ang mga mag-aaral mula Grades 11 at 12.

Parehong tuition fees na lang din umano ang sisingilin nila sa mga estudyante.

“Hindi nila sisingilin kaagad ‘yung mga learners natin. Hihintayin daw nila according to their letter ito ha. Hintayin daw nila na ma-refund ng Colegio de San Lorenzo ‘yung fees na kinolekta nila ‘yung enrolment fees, tuition fees. ‘Pag nabayaran na ‘yung mga magulang doon pa lang sisingilin nung Tems International School ‘yung for tuition fees ng mga learners,”  ayon kay Poa.

Subalit kung may mga mag-aaral na wala pa ring malilipatan, handa naman ani Poa ang public schools na tanggapin sila.

“Well, sa amin kasi public school systems we can always ask our public schools to help and saluhin ‘to. ‘Yung problema natin is this is a private school so it’s also likely that they also want to move to another private school. Tayo po talaga we’re really hoping that other private school would help us,”  ani Poa.

 

BASAHIN: QC, tutulungan ang mga estudyante at manggagawang apektado ng biglaang pagsasara ng isang eskwelahan

 

Colegio de San Lorenzo sa QC, binatikos dahil sa pag-anunsyo ng pagsasara nito sa mismong unang araw ng klase

 

Follow SMNI News on Twitter