BUMISITA sa Office of the Vice President (OVP) si Honorable Dato Seri Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi, Deputy Prime Minister and Minister of Rural and Regional Development of Malaysia noong nakaraang buwan.
Dumalo ito sa ginanap na 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR).
Binigyang-diin ng pag-uusap nina Vice President Sara Suterte at Honorable Dato Seri Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi ang kahalagahan ng pagtutulungan at ng mga magkakalapit na bansa sa rehiyon.
Tinalakay rin ang kahalagahan ng paghahanda at pagtugon sa makabagong panahon lalo na sa larangan ng edukasyon at disaster risk reduction.
Ika niya, malapit sa kaniyang puso ang Mindanao. Saad pa niya na maghihikayat siya ng mga negosyante sa kanilang bansa na mamuhunan dito sa Pilipinas. Hangad natin ang mas mayabong at matibay na ugnayan ng ating mga bansa.
Nagpasalamat din ang bise presidente sa mainit na pagtanggap at tulong na iniabot ng Malaysian Government sa kaniyang pagbisita sa kanilng bansa nitong taon, na bahagi ng kaniyang tungkulin bilang Presidente ng Southeast Asian Education Ministers Organization (SEAMEO) Council.
Follow SMNI News on Rumble