Desisyon ng SC sa agawan ng teritoryo ng Taguig-Makati, inilagay sa entry of judgment

Desisyon ng SC sa agawan ng teritoryo ng Taguig-Makati, inilagay sa entry of judgment

KINUMPIRMA ng Supreme Court (SC) na nagkaroon na ng tinatawag na entry of judgment sa kaso ng agawan ng teritoryo sa pagitan ng Taguig at Makati.

Dahil hindi na maaaring iapela ang nasabing usapin at ito’y nakabase sa rules of court.

Magugunitang Abril 3, 2023 nang inilabas ng SC ang final and executory decision kaugnay sa 30-taong boundary dispute sa pagitan ng dalawang local government unit (LGU), pero kinatigan at pinaboran ng SC ang historical, documentary at testimonial evidences na iprinisenta ng Taguig City.

Kabilang sa inaangkin ng dalawang lungsod ang 729 hectares na Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Bonifacio Global City (BGC) at siyam na tinatawag na ‘embo’ barangays.

Nakasaad naman sa naturang SC decision na ang tunay na may-ari ng pinag-aagawang teritoryo ay ang lokal na pamahalaan ng Taguig City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter