DFA at DMW, pupuntang Kuwait para talakayin ang bagong entry at work visas sa mga Pilipino

DFA at DMW, pupuntang Kuwait para talakayin ang bagong entry at work visas sa mga Pilipino

TUTUNGO sa Kuwait ang ilang envoy ng Pilipinas para talakayin ang pagkakasuspinde ng pagbibigay ng bagong entry at work visas para sa mga Pilipino.

Magmumula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang pupuntang mga representative ng Pilipinas.

Ibinahagi ni DFA Asec. Paul Cortes na ang suspensiyon ng pagbibigay ng bagong entry at work visas ay hindi official statement ng Kuwait.

Inilathala lang aniya ito sa mga diyaryo at news article ng naturang bansa.

Itinuturong dahilan doon ay ang pagkakaroon umano ng paglabag sa pag-operate ng shelter.

Subalit sa kabila nito, iginiit ni Cortes na nananatiling hindi malinaw ang rason para gawin ito ng Kuwait.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter