MAGLALAGAY ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) ng mga help desk sa mga lokal na munisipyo at barangay.
Ito ay para matugunan ang mga isyu kaugnay ng human trafficking ayon kay DFA Usec. Robert Ferrer Jr.
Tugon na rin ito matapos ang repatriation ng 10 Pilipino mula Cambodia na napilitang magtrabaho sa mga online scam.
Sa ngayon ay hindi pa nabanggit kung kailan mag-uumpisa ang naturang proyekto.