IBINABA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Libya dahil sa umaayos na sitwasyon sa naturang bansa.
Matatandaan na noong 2019 ay itinaas ang Alert Level 4 o mandatory repatriation ng mga Pilipino dahil sa lumalalang civil war doon.
Ayon sa DFA, sa ngayon ay nasa 2,300 na mga overseas Filipino ang nasa Libya at nagsabi na ‘safe and secure’ sila.
Gayunman, patuloy pa rin na mino-monitor ng DFA ang sitwasyon sa Libya at sa pagresolba sa mga nakabinbin na labor issues ng mga natitirang OFW doon.