DFA magsasagawa ng press con kasama ang National Task Force sa isyu ng WPS

DFA magsasagawa ng press con kasama ang National Task Force sa isyu ng WPS

NAKATAKDANG pangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang press conference ngayong araw kasama ang key members ng National Task Force para bigyang linaw ang panibagong isyu ng West Philippine Sea.

Matatandaan noong Linggo nagpalabas ng pahayag ang Philippine Coast Guard (PCG) kung saan kinokondena nito ang marahas na hakbang ng China Coast Guard (CCG) dahil sa ilegal na paggamit nito ng water cannon.

Ang insidente ay nangyari habang inaalalayan ng PCG ang mga bangka ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghahatid ng pagkain, tubig, fuel at iba pang suplay ng militar na naka-destino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Paliwanag naman ng DFA, ang Ayungin Shoal ay isang low tide elevation na bahagi ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas, alinsunod sa 1982 UNCLOS at bilang pinagtibay ng 2016 Arbitral Award.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble