NAG-REPATRIATE ng 256 Overseas Filipino workers (OFWs) mula Thailand at Macau ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na nag-repatriate ito ng karagdagang 203 OFWs na nagdulot sa pagtaas ng mga repatriated OFWs mula Macau sa higit 5,700.
Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng 29 na repatriation flights na pinangunahan ng Philippine Consulate sa Macau.
Samantala, aabot naman sa 53 OFWs ang dumating mula Thailand patungong Maynila noong Marso 24.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Thailand, karamihan ng repatriated OFWs sa Thailand ay nagtatrabaho sa Education at Tourism Industry.
Aabot na sa higit 800 ang na-repatriate mula sa Thailand mula nang magsimula ang pandemya.