NASAWI ang isa katao habang mahigit sa tatlumpu naman ang itinakbo sa ospital dahil sa outbreak ng diarrhea sa bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental noong weekend.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health Davao Center for Health Development at ni Jose Abad Santos Mayor Jason John Joyce.
Ayon sa ulat ng DOH, tatlumpu’t apat ang kabuuang bilang ng pasyenteng isinugod sa Tomas Lachica District Hospital dahil sa diarrhea kung saan isa dito ang nasawi.
Sa pahayag ni Municipal Health Officer Dr. Amparo Lachia, posibleng nagkaroon ng kontaminasyon ang tubig na iniinom ng mga residente sa Barangay Butuan na naging sanhi ng impeksyon.
Patuloy naman ngayon ang isinasagawang imbestigasyon at monitoring ng lokal na pamahalaan sa nangyaring diarrhea outbreak.
SMNI NEWS