DICT, ipinaalala sa publiko ang kahalagahan ng SIM registration extension

DICT, ipinaalala sa publiko ang kahalagahan ng SIM registration extension

BINIGYANG-diin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na pahalagahan ang inaprubahang extension ngayon ng SIM registration.

Sinabi naman ni DICT Sec. Ivan John Uy na para matulungan ang lahat sa pagpaparehistro ay magpapadala pa sila ng mas maraming mga personnel sa malalayong lugar at isla.

Ito’y para ma-assist ang mga kababayan doon.

Para din aniya sa barangay officials, maaring maiparehistro nila ang SIM card users na walang government-issued IDs sa kanilang lugar dahil maaaring magamit sa registration ang barangay-issued IDs.

Nitong Martes, April 25 ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang proposal na palawigin pa ng 90 araw ang SIM registration.

Inanunsiyo na rin ito ni Justice Sec. Crispin Remulla.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter