BIBIGYAN ng parangal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pinakamalilinis na barangay sa buong bansa.
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, ang programa ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na bibigyang insentibo ang mga local government unit (LGUs) na napapanatili ang kalinisan sa ilalim ng “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” program.
Sakop na mabibigyan ng insentibo ang mahigit sa 42,000 barangay sa buong bansa.
Partikular na pinatututukan sa bawat barangay ang pagsasagawa ng clean-up drives mula 7:00 am-11:00 am parikular na sa mga lansangan, kanal, mga daanan ng tubig, palengke, paaralan, at mga pampublikong pasyalan o parke.
Dagdag pa ni Abalos, buwanan ang monitoring sa performance ng bawat barangay at quarterly ang magiging awarding.
Noong Sabado ay inilunsad ng DILG ang kalinga at inisyatiba para sa malinis na bayan o kalinisan project sa iba’t ibang bahagi ng bansa.