DILG pinatitiyak ang kaligtasan ng mga deboto ngayong Holy Week

DILG pinatitiyak ang kaligtasan ng mga deboto ngayong Holy Week

PARA maging ligtas ang pagdaraos ng Holy Week, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan, Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) na gawin ang kanilang mandato, partikular na sa mga dadagsang debotong Pilipino.

Ayon sa inilabas na memorandum circular ng DILG, ipinag-utos nito sa lahat ng LGUs sa bansa na pulungin ang Local Peace and Order Council at local Disaster Risk Reduction and Management Council upang talakayin ang mga contingency measure.

Kabilang dito ang pagbibigay ng sapat, maaasahan, at ligtas na transportasyon, emergency medical services, at iba pa.

Para naman maiwasan ang mga insidente ng krimen, hinimok ng DILG ang paghahanda ng iba pang force multipliers sa mga critical areas gaya ng mga national at local road, crime-prone areas o hotspot, transport hubs, simbahan, at iba pang pampublikong lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble