NAGBABALA si bagong talagang DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa lahat ng mga miyembro na Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pinagbabawal na droga sa bansa na mananagot sila.
Sa isang pulong balitaan sa tanggapan ng DILG sa QC, sinabi ni Sec. Abalos na dapat tunay na ipinatutupad ang paglaban sa droga ng PNP.
Aniya maraming kaso ang nadi-dismiss dahil sa mga kapabayaan ng mga arresting officer kaya nababalewala ang kaso.
Aniya kung may katiwaliang ginagawa ang mga drug law enforcement ay agad ipagbigay-alam sa tanggapan ng DILG upang agad maimbistigahan at matanggal sa serbisyo.