Dingdong Dantes at pamilya, nagpositibo sa COVID

Dingdong Dantes at pamilya, nagpositibo sa COVID

INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya sa COVID-19 at ang iba pang kasama nito sa bahay.

Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Dingdong ang naging karanasan niya at kanyang pamilya nitong nakaraang dalawang linggo ng tamaan ng virus.

Ani Dong, napansin niya na hindi maganda ang pakiramdam sa kanilang kapaligiran, sa kanilang mga kapitbahay, sa bahay ng kanyang mga kamag-anak at ng kanyang mga magulang, hanggang sa halos lahat sa kanila ay nilagnat na at nagkaroon ng sintomas.

Kinumpirma naman ni Dingdong na nagpositibo siya sa COVID at ang iba pang kasama nito sa bahay matapos nilang magpa-test.

Gayupaman, nagpapasalamat siya dahil hanggang mild lang ang kanyang sintomas dahil bakunado na sila ng COVID-19 vaccines at nakakuha na ng kanilang booster shot.

Hindi naman binanggit ng aktor kung nahawaan din ang kanyang asawang si Marian Rivera at ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Pinaalalahan ni Dong ang publiko na huwag mahihiya kung sila ay magkakaroon din ng COVID-19 at dapat ay doble kayod pa rin ang lahat na masigurong makapagpabakuna at makapagpa-booster shot.

SMNI NEWS