MAGKAKAROON ng Australian Tour ang Pinoy R&B hitmaker na si Dionela ngayong taon.
Bagamat wala pang detalye sa magiging date at venue, ibinahagi na ang mga lugar na pupuntahan ng artist.
Sa anunsiyo, ang ‘The Grace’ Australia Tour ay tutungo sa Brisbane, Perth, Melbourne, at Sydney.
Bahagi ito ng kaniyang mas malawak na world tour na inanunsiyo noong Marso ngayong taon.
Sa world tour na ito, dadalhin niya ang kaniyang hit songs tulad ng “Sining”, “Marilag” at ang pinakabago niyang kolaborasyon sa rap star na si Loonie na “Ikigai.”