HINAMON ngayon ni Direk Darryl Yap ang kapwa director at actor na si Vince Tañada na isapubliko ang gross income ng pelikula nitong “Katips.”
Kasunod ang naturang komento ni Direk Darryl matapos sinabi ni Tañada na disinformation ang pinakakalaban ngayon at hindi ang palabas na “Maid In Malacañang.”
Para kay Yap, dahil nga at disinformation umano ang kalaban, nararapat lang din siguro aniya na patotohanan ni Tañada ang inihayag nitong P41.8-M na gross income sa opening day ng “Katips”.
Binigyang-diin pa ni Direk Darryl na tila ikinatuwa pa ni Tañada ang fake news na nakalikom na ito ng P198-M bilang total gross income sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, ayon kay Direk Darryl, dapat magkasama sila ni Tañada bilang mga direktor sa pagharap ng mga isyung katulad nito para mapabuti ang industriya ng pelikula sa Pilipinas at maging ang responsibilidad nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Samantala, sa ngayon, umabot na sa 140 million pesos ang naging kita ng “Maid In Malacañang”.