Direktiba ni PBBM na mag-import ng sibuyas, nakatulong na mapababa ang presyo ng sibuyas –FPRRD

Direktiba ni PBBM na mag-import ng sibuyas, nakatulong na mapababa ang presyo ng sibuyas –FPRRD

NAKATULONG ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag-import ng sibuyas.

Ito ang paniniwala ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa kontrobersyal na presyo nito.

Ani Duterte, ginawa lamang ng pamahalaan ang makakaya nito upang maibaba ang presyo.

“I’m not an economist, I’m not a businessman, basta ang pagka alam ko mahilig ako sa sibuyas. What I know is that the President ordered the importation of onions…can take,” ani dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Mga hoarder ng sibuyas, mapipilitang ipagbili ang stocks kasunod ng pag-import ng sibuyas

Dagdag ng dating Pangulo, dahil sa hakbang na ito ng pamahalaan, mapipilitan ang mga hoarder na ilabas ang stock nito.

Aminado naman si Duterte na wala itong ideya kung sino ang nasa likod ng mga hinihinalang hoarders.

“Wala akong idea talaga.. Ang nakukuha ko lang kasi…Sino ang mga tao na ito… It did not come out from the President’s mouth in the first place,” dagdag nito.

Sa kabila nito, hindi naman napigilang bumanat ng biro ang dating Pangulo.

Samantala, matatandaang umabot sa P720 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa merkado.

Sa ngayon, nasa kabuoang 3,500 metric tons na sibuyas ang dumating sa bansa mula Enero 23 hanggang 27 dahilan upang bumaba ang presyo nito sa P270 kada kilo.

Follow SMNI NEWS in Twitter