Diskwalipikasyon laban kay Cagayan Gov. Mamba, hindi pa pinal—COMELEC

Diskwalipikasyon laban kay Cagayan Gov. Mamba, hindi pa pinal—COMELEC

HINDI pa matatanggal sa puwesto si Cagayan Gov. Manuel Mamba.

Paglilinaw kasi ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi pa “final and executory” ang pagdiskwalipika ng COMELEC first division sa gobernador.

Paliwanag ni COMELEC Chairmen George Erwin Garcia, maari pang maghain ng motion for reconsideration si Mamba para mabaliktad ang naturang desisyon.

Dahil dito, mananatili pa rin aniyang gobernador ng Cagayan si Mamba at hindi pa ito puwedeng palitan sa puwesto.

Matatandaang diniskwalipika ng COMELEC first division si Mamba dahil sa mga paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa umano’y maling paggamit ng pondo ng probinsya para sa 2022 national and local elections.

Follow SMNI NEWS on Twitter