Mga nagparehistro para sa 2025 elections, umabot na sa 1.9M

Mga nagparehistro para sa 2025 elections, umabot na sa 1.9M

UMABOT na sa 1.9M ang nagparehistro para sa 2025 elections simula nang buksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration noong Pebrero.

Base sa datos ng COMELEC, ang Region IV-A ang may pinakamaraming bagong botante na nasa 351K (350,923).

Pangalawa ang National Capital Region (NCR) na may 285K (284,921) new registered voters at sinundan ito ng Region 3 na mayroon namang 217K (217,151).

Pinakulelat ang CAR na nasa 23 libo lamang ang nagparehistro.

Pinakamarami sa mga nag-apply para makaboto sa eleksiyon ay babae na nasa halos 1M.

Sinabi ni COMELEC Chair George Erwin Garcia, malayo pa sa kanilang target na 3M ang bilang ng bagong botante.

Dodoblehin pa aniya nila ang kanilang makakaya para makuha ang kanilang target at makakuha ng registration mula sa mga malalayong lugar.

Follow SMNI NEWS on Twitter