DMW: Cash aid para sa mga OFW na nabiktima ng Balikbayan Box Scam, ilalabas na

DMW: Cash aid para sa mga OFW na nabiktima ng Balikbayan Box Scam, ilalabas na

MANILA, PILIPINAS – Abril 22, 2025—Magbibigay ng ₱30,000 na tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nabiktima ng balikbayan box scam.

Batay sa ulat, ilang freight forwarders at local logistics partners ang hindi naihatid, na-delay, o tuluyang nawala ang mga padalang kahon ng OFWs—na naging dahilan ng malaking abala at pagkawala ng pinagpagurang mga gamit.

Ayon sa DMW, one-time lamang ang naturang ayuda at ipamamahagi ito sa ilalim ng kanilang Action Fund. Ang aplikasyon ay dadaan sa regional offices ng DMW na siyang magpapatunay at magpoproseso ng mga dokumento ng mga aplikante.

Paalala: Kailangang magsumite ng kumpleto at wastong dokumento para makuha ang tulong.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble