IPINAGDIWANG ng Department of National Defense (DND) ang kanilang ika-83 anibersaryo ngayong araw.
Tema ng pagdiriwang ay “DND @ 83: Matatag na Sandigan ng Sambayanan para sa Kapayapaan at Kaunlaran.”
Sa mensahe ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., pinuri nito ang kahanga-hangang antas ng propesyonalismo, kahusayan, at pagkamakabayan ng kanilang mga kawani.
Patuloy nitong hinihikayat ang mga kawani ng DND na isapuso ang 10-Point Defense Agenda bilang suporta sa adhikain ng administrasyong Marcos para sa isang maunlad na bansa.
Ilang kawani rin ng DND ang tumanggap ng Outstanding Achievement Medal (OAM), DND-wide Exemplary Supervisor and Employee, at DND Proper Best Employee Awards.
Naitatag ang DND sa Nobyembre 1, 1939 sa bisa ng Executive Order No. 230 series of 1939 na inilabas ni Pangulong Manuel L. Quezon.